Si Kristo ay Sapat na, Sapat sa Ating Lahat (A WSC 2015 Sharing)

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

By Vanessa Pionela
CFC SFL Laguna

Vanessa Pionela

Sa araw-araw na nangyayari sa ating buhay, masasabi nating hindi pare-pareho ang mga experiences natin. Minsan malungkot, minsan masaya at minsan tama lang. May mga araw na parang napakabilis at parang walang nangyari sa buong maghapon. Pero kung titingnan at icecenter natin si God sa lahat ng ating ginagawa, masasabi nating napakaswerte natin na sa bawat umaga ay nagigising tayo at binibigyan tayo ni God ng bagong pag-asa para lumaban at itama ang ating mga pagkakamali.

Maraming chance na ibinibigay sa atin si God, at yun ang isa sa natutunan ko sa WSC, karapat-dapat lamang na tayo ay magpasalamat at ipraise natin si God kahit sa mga simpleng gawain at biyayang ating natatanggap mula sa kanya. Magpasalamat tayo dahil sa kabila ng mga kasalanan at pagkukulang natin ay patuloy tayong minamahal ng Diyos.

Minsan may mga dumarating na pagsubok sa ating buhay, mahirap man ito, pero sa pagharap sa mga challenges na ito natin mas natututunan na manalig, tumawag at magtiwala sa Panginoon.”Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own undertstanding. In all your ways acknowledge him and he will make your paths straight.” – Proverbs 3:5-6
May pagkakataon na mas nakikita natin o mas nagfofocus tayo sa mga problema at sa mga bagay na nagpapalungkot sa atin. Pero kung iisipin at isasapuso natin na si GOD ay sapat na, ano mang problema meron tayo lahat yan malalampasan natin dahil naniniwala tayo na kasama natin Sya at hindi nya tayo pinapabayaan.

Sabi nga ni Fr. Francis Gustilo “Wag mong iangat ang sarili mo, hayaan mo ang Diyos na iangat ka.” Magtiwala tayo sa kanya, huwag tayong matakot na isuko ang buong buhay natin at ang ating mga pangarap. Tanggapin natin sya bilang ating tagapagligtas. Siya ang bahala sayo! Dahil sa matinding pagmamahal nya, wala na akong hahanapin pang iba.

Para sa akin, “Si Kristo ay sapat, sapat na sa ating lahat.”

Tags: , , , , , , ,

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org