Radical Love

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

Jenenia Barros
CFC SFL Cubao

Jenenia BarrosMarami sa ating nagseserve kay GOD na karaniwang tinatanong ang sarilii kung bakit sa dinamidami na pwedeng piliin na magserve ay kung bakit sila pa ang napili. Marami namng mas matalino,magaling at mas mataas ang pinag-aralan na karapatdapat magserve sa kanya ay kung bakit pa tayo ang napili..? Lagi tayong napapaisip na hindi tayo worthy na magserve sa kanya dahil sa mga nagagawa nateng mga kasalanan, na minsan nagiging sagabal para magserve sa kanya. At sa toto lang ay isa ako dun.

Pero nabago ang lahat pagkatapos na CSW ( Committed Servants Weekend). Doon mas nakilala ko si God kung ano at kung sino talaga sya. Our God is a RADICAL GOD. Bakit? Dahil hoindi lang sya basta bastang Diyos,kundi wala syang katulad. San ka pa ba naman makakakita na ang pinakamataas at mkapangyarihan sa lahat ay lalapit sayo hindi lang para sambahin sya kundi para maging KAIBIGAN nya. NAKAKATUWA di ba,sa mga artista pa nga lang nainiidolo natin mamamatay-matay na tayong makita sila sa mga billboard,ano pa kaya kung si God di ba,at nag offer na maging BESTFRIEND naten, na laging andyan na handang makinig ng mga hinanaing naten sa buhay. Kung tatanggapin lang naten sya sa mga puso naten siguro lahat sa atin positibo,kasi andyan sya eh para alalayan tayo at magpapaintindi sa aten ng mga bagay bagay.

He is our RADICAL FRIEND. A FRIEND who knows everything about us,higit pa sa pagkakakilala naten sa ating mga sarili. Kahit nga di man naten sabihin sa kanya, alam nya kung ano ang kailangan naten,nag-aantay lang sya na tayo ang kusang lumapit at mag-open nun sa kanya. Kung nasasaktan tayo,alam ko na mas doble yung nararamdaman nya,ganun din pagmasaya tayo lalo na pag sya yung dahilan nang kasiyahan na yun.Parang tayo din nasasaktan tayo pag nakikita nateng naghihirap yung mga taong malapit sa aten,panagkaiba lang nun alam na alam nya kung pano tayo poprotektahan. Sya yung KAIBIGAN na tapat at maaasahan kapag wala ka nang malalapitan. Handang makinig sa ano mang oras pagwala nang nakikinig at kumakausap sayo,na parang tinalikuran ka na ng mundo. Kaibigan na handang yumakap sayo kahit ilang beses mo nang sinaktan at kinalimutan. Kaibigan na handang magpatawad kahit paulit-ulit ang ating kasalanan. Kaibigan na kasama mo kahit saan ka man magpunta,at kaibigan na handang magpakamatay para mailigtas ang mga KAIBIGAN nya. Sya si HESUS,na patunayan na nten yun,nagpapako sya sa krus at namatay para lang mailigtas lang tayo sa kasalanan na di nya namn ginawa.

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org