Pag-ibig Na Natanggap, Pag-ibig na Ibibigay

Written by SFL AMP on . Posted in Sharing

A Sharing by Jed Robert Parolena, SFL Polomolok

Isa akong Katoliko at mga magulang ko’y Katoliko rin nabinyagan. Nagsisimba kami at nagdadasal din nung mga bata pa kami. Di ko pa po masyadong alam kung ano at paano maging isang Kristiyano. Ang pamilya namin ay di naman maramot kasi tinuturuan kami ng aming ina na mapagbigay din sa iba. Halos pinalaki kami ng aming mga magulang na mapagbigay at may takot sa Diyos.

Bago pa po ako sa SFL community dito sa Polomolok, hindi talaga ako taga-dito at hindi rin ako pinanganak dito. Nagtratrabaho ako dito kasi naimbitahan na magtrabaho sa aking uncle na active din na Couples dito sa Polomolok.

Malungkot ang mga unang araw ko dito kasi malayo ako sa aking pamilya sa Gensan. Pero kalaunan nasanay na ako na mag-isa at tinuturing naman ako na anak ng aking Uncle at  Tita. Hanggang isang araw naimbitahan ako nilang sumali sa community. At napakasaya ko kasi may saysay pala ang pagpunta ko dito. Parang may gusto lang si God na misyon na gagawin ko. Hanggang naging active na ako sa SFL at kalaunay naging Servant Head dito sa Polomolok. Di ko alam ang dapat gampanan ko dito bilang Servant Head, pero ang alam ko gagawin ko to dahil may ipinapagawa si God sa akin.

Kaya naman po hanggang nag isang taon na ako dito sa community, dumating itong kalamidad ng tagtuyot na di lang dito nararanasan. Di inaasahan ng lahat na malaki pala ang pinsala na idudulot ng El Nino. Halos makikita mo dito sa bundok na berde noon ngayon ay kulay brown na at nakakalbo pa.

Dahil sa sobrang init, sumiklab sa mga bundok ang mga grassfire na halos masunog na lahat ng kabundukan. Kaya naman nung nabalitaan namin ng aming mga kasama sa community habang naghahousehold kami na grabe ang apektado sa may paanan ng bundok at maraming mga pamilya ang nakatira don, napagpasyahan namin na magbibigay kami ng mga tulong sa kanila kahit sa maliit na paraan.

Pumunta at umakyat kami sa bundok sakay lamang ng isang de motor kasi un lng mas madaling sakyan paakyat doon. Halos di ko maipaliwanag ang saya at takot paakyat sa bundok ksi di ako sanay na pumunta ng malalayo. Sira ang mga daan, alikabok at halos bangin na ang daanan paakyat. Malayo palang halos tanaw na naming na sunog na sunog na mga gubat sa taas. Nagkukulay itong brown na halos di mo maisip na bakit ganun ka sunog. Ngunit dahil gusto talaga naming makaayat  doon at makita talaga ang sitwasyon sa taas,nakaakyat kami ng ligtas. Akala ko ang saya saya ko dun pero nung makita na namin ung bawat pamilya doon, halos dinudurog ang mga puso naming nakikinig sa sinapit nila. Walang tubig, walang pagkain, mga bata nagkakasakit, walang ulan at wala na silang makukunan ng hanapbuhay na tanim na kape kasi halos sunog na lahat. Halos di ko maisip sa sarili ko na swerte pa pala ako kasi nakakakain pa ako at sila wala.

Kaya naman pagkababa namin doon nagpatawag agad kami ng service meeting para pagpasyahan ang pagbibigay ng tulong sa itaas. At binalikan pa namin ng dalawang beses doon, kasama ang District Servant namin at ang isang Mission Volunteer namin. Nakipagcoordinate kami sa lokal nilang barangay para sa pagpalam sa gagawin naming programa sa sa apektado ng sunog sa taas.

Hanggang sa humingi kami ng tulong sa mga kapatid namin sa community sa Gensan, Polomolok at Marbel. Humingi rin kami ng tulong sa mga CFC FFL at agad naman silang tumulong at nagbigay ng mga bigas, cash at in kind donation. Nag-require din kami sa SFL na magbigay ang bawat isa ng halagang 100.00 at agad namang tumugon sila. May nagbigay pa ng mga damit, libro, laruan at kusang loob na in cash na ayaw nilang ipabanggit kng magkano at sino sila. Nakasolicit din kami sa U.A.E sa tulong ng aming District Servant, at halos ang laking tulong in cash ung binigay nila.

Di ko lubos maisip paano at saan galing ang mga tulong ng mga taong sumusuporta sa aming gagawin na pagtulong. Dahil ang daming mga biyaya na dumating nakapagpack kami ng mga goods na may bigas, de lata, noodles at gatas ng umabot halos 68 na packs.

13232951_244708392554437_13868717607065117_n-1

May 21,2016 dumating ang araw ng pagdadala ng mga tulong sa bundok. Marami ang sumama sakay sa sasakyan na nairequest namin ng libre sa Barangay. Puno ang sasakyan ng mga packed goods, tubig, pagkain at mga taong sumama paakyat. Halos di na magkasya ang mga kapatid namin na sumama kc maliit lng ang sasakyan at halos maipit na sila. Ngunit dahil sa kagustuhang tumulong, pinagkasya lahat sa sasakyan at nagdasal na makakaakyat ng safe ang lahat. Nang papunta na kami ang daming mga karanasan sa daan palang. Sira sira ang daan, maalikabok, bato-bato, mainit ang sikat ng araw at halos maipit na ang mga sumama sa likod ng mga dala namin dahil paakyat na ang daan. Halos madaganan na sila ng mga dala namin at halos di na kayanin ng aming sasakyan ang daan paakyat dahil umulan pagkagabihan nun.

Kahit panay panaog at akyat ng mga kapatid namin sa sumama pinilit parin naming makaakyat sa taas. Salamat dahil hindi kami pinabayaan. Hindi namin akalain nakayanan ng sasakyan. Di namin lubos maisip paano nakaayat. Pagkarating namin dun sa taas dala namin ang mga tulong na ibinahagi ng iba, agad kami nagdasal at nagpasalamat kay God dahil walang imposible sa Kanya. Agad naming tinawag at binuklod ang mga bata,sa mga asawa na may maliit na anak at matanda. Nagpaluto kami agad ng lugaw para sa mga bata, pansit at tinapay sa mga matatanda. Ang mga batang edad lima pataas sa isang grupo nabuklod at nagpaparlor games para malibang. Ang mga may bata at asawa doon sa medical check up binuklod para matingnan sila. Ang mga bata naman na lima pababa ay napunta sa aming grupo. Di ko po alam kng paano at saan ako magsisimula para malibang sila. Mga batang musmos at walang alam sa sinapit nila. Nagpalaro kami at nagbasa ng mga kwentong pambata na halos di ko pa ginawa s iba. Nagkantahan kami ng kantang mga pambata at napasayaw pa ako s mga batang di ko kilala. Di ko alam kung bakit ko ung ginagawa sa kanila. Basta ang tanging alam ko, mapapawi ko lang man ng sandali ang saklap ng trahedya na dapat di nila nararanasan. Nakipaghalubilo kami sa kanila kahit di kami nagkakaintidihan dahil sa tribu nila. Masaya lang kami, walang pagod na nararanasan. Hanggang sa umulan doon ng malakas at napaisip lng ako at napatingin sa taas. Ito pa lang ang gustong ipagawa ni God sa akin. Ang gustong ipadama ni God sa akin na saya na tumulong sa iba. Halos sumabay ang luha ko sa bawat patak ng ulan nun. Mga ngiti nila na halos di mo babayaran, tuwa ng mga bata na di mo maaninag ang lungkot na dinaranas nila ng mga oras na yun.

13232901_244710342554242_1030541812720979065_n

Naisip ko, “Ito pala ung habag at awa na ipinadarama ng Diyos sa akin – habag at awa na kailangang maramdaman din ng ibang taong na ni minsan di na nakaranas ng pagmamahal. Habag na di kailangang ibibigay mo dahil kailangan, bagkus habag na nangagaling sa yong puso. At Awa na kailangang may gagawin ka at gagawin mo para sa iba at hndi dahil para sa sarili mo lamang. At Awa na nanggaling sa Diyos dahil una taong binigyan ng Awa ng Diyos, una tayong pinatawad Niya, una tayong Minahal Nya at una tayong binigyan Niya.”

 

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org