God Never Fails to Surprise Me (A WSC 2015 Sharing)

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

By Kim Toquirre
CFC SFL Rizal

Kim Toquirre

A week before WSC sobrang excited na excited na ako sa mga maari kong maramdaman at maranasan uli sa ikatlong taon ng pag attend ko ng World Singles Congress. Sobrang excited ko na talaga ng biglang naaksidente ako a week before ng WSC. Sobrang pagkabigla ko noon kasi patigil na ako that time nagulat na lang ako nakahiga na ako sa kalsada. Talagang proven na pag nagseserve ka kay God ay ang daming problema ang bumabalakid sayo para mapalapit sa kanya. Pero hindi napigilan ng aksidenteng yun ang pag attend ko sa WSC 2015 at masasabi ko na I am still blessed pa rin sa kabila ng aksidente na kinasangkuta ko recently It’s because I am still alive kasi halos lahat ng naaksidente sa motor sa lugar namin ay namatay. My Protector saved me again and again and again and that I must say that I am Loved by Our Creator.

Actually madami na akong aksidente na naranasan and He always saves me .Patunay lang na marami pang plano ang Diyos para sa akin kaya hindi niya ako hinahayaan na mawala na. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng diyos sa akin. Ang daming memorable sakin ngayong WSC actually parang lahat memorable simula mDay 1 palang hanggang last day. Simula nung talk ni Kuya Ej Aguila kung bakit Christ is enough. ang dami kong narealize nung mga oras na yun. Ang dami ko palang mali na nagawa noon na sobrang nakasakit kay God pero despite everything na nagawa ko sa kanya pinilit nya pa din na akayin ako papunta sa liwanag na kasama siya at huwag ng magstay sa dilim.

Sobrang nagpapasalamat ako sa mga instrumentong ginamit niya para mapadpad ako sa community na ito. Hindi naman pala masamang magbago. Oo mahirap pero kakayanin naman, step by step. Sobrang binabago ako ng pagmamahal niya para sa akin. Yung habang pumapasok ang crucifix at kumakanta ng “the cross before me, the world behind me, no turning back,” sobra sobra ang pag iyak ko nun super thankful ako sa pag save niya sakin sa dilim at putik na kinasasadlakan ko noon.

Another ay yung sa Enough of Me na talk ni Ate Mariel sobrang lahat ng sinasabi dun ay parang ako. Lalo na yung sa short film pinakita dun ang mga example ng mga ugali ng SFL members. Ginagawa pa lang yung short film na yun tinanong ko ang sarili ko kung bakit ako andun? Pagdating ko sa venue ng short film na yun nakita ko halos panay fulltime ang nandoon at ako lang ang nag iisang taga Rizal dun. Noong binabasa ko ang script natanong ko sasarili ko na teka ako ba ito? Bakit parang lahat super relate ako? Yung parang akong ako mismo yung tinutukoy sa short film na yun. Nung kinwento ko yun kay Tito Alex Beltran sinabi nya na, “Maybe na si God yung nag discern sakin na makasali dun sa film na yun at kung bakit yung scene na yun ang napunta sakin.”

Nung time na sa prayer tower na nung una hindi ko alam kung ano ang gusto ko ipagpapapray sa mga sisters na maglilift para sakin. Pinapauna at pinapalapit ko pa yung mga katabi ko na lumapit na sa brothers at ishare na kung ano ang nararamdaman nila ngayon and one snap may naalala ako na dapat ko ng ilet go kasi ang tagal tagal ko na gustong bitawan yung dinadala na yun na sobrang nagpapahirap sakin and sa tulong ng isang brother. Oo isang brother na sobrang malapit sa akin medyo gumaan yung pakiramdam ko at ipinagpray niya ako na maovercome ko lahat lahat ng nagpapahirap ng past ko sa akin. Sobrang sarap ng pakiramdam ko after ng session na yun lalo na ng pinasok yung Blessed Sacrament sobrang ramdam na ramdam ko si Kristo ng mga oras na yun na andun siya para yakapin lahat ng nahihirapan, punasan ang mga luha ng lahat ng nasasaktan at iparamdam kung gaano kainit ang pagmamahal niya sa lahat ng taong nandoon sa venue na yun at para sabihin na kasama natin siya sa lahat ng oras.

Yung last day sa talk ni Kuya Jepoy na Stop the Indifference sobrang sapul ako dun lalo na dun sa pag-alms Giving hirap na hirap ako magbigay kasi iniisip ko na mawawalan ako. Pero bakit naman ako mawawalan never namang inallow ni God na mawalan ang mga anak niya kahit pa minsan napagdadamutan natin siya. He still gives us what we need.

Nung ipagdadasal ang mga district coordinators and yung magdadasal ang buong district para sa mga gawain at mission area na bubuksan, ipagdadasal ang mga chapter coordinators, mga brothers and sisters at ang isat isa na tanggalin na ang pagiging indifferent. Sobrang tindi ng pakiramdam noong sabay sabay kayo nagdadasal para sa ikabubuti ng district niyo.

And lastly ay yung Praisefest, sobrang tindi ng pakiramdam nun. All you can say is alam mo na andoon si God masayang masaya habang pinapanood nya ang mga anak niya habang pinapapurihan siya at yung pinaltan yung lyrics ng christ is enough yung pagkanta niyo ng district nyo from I to WE atsaka yung from ME to US sobrang nafeel ko yung goosebumps noon parang bumaba sa lupa yung heaven.

All in all, lahat memorable ang 3rd year ko na pag attend ng WSC. God did not fail to surprise me every year. Now I am more than ready to face my district and all the missions na dapat gawin. For me, He is really more than enough!

Tags: , , , , , , , ,

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org