Experiencing the Heaven Here on Earth

Written by Jepoy Meneses on . Posted in Sharing

By Chen Asug
CFC SFL Cavite

Chen Asug

Hindi po ako sure kung ito nga ba ay message from God o realization ko lang. Noong 1st day pa lang ng CSW nagtanong na si Bro. Arvin Serra sa amin kung meron daw ba sa amin ang nakakaramdam na tinutulak ni God na magsabi ng message for the group. Ilang beses sya nagtanong pero dahil ako ay mahiyain hindi ako makataas ng kamay at sinabi ko na lang sa sarili ko na kapag bukas ng umaga nagtanong sya ulit sa amin kung sino gusto mag speak up sa unahan e tataas na talaga ako ng kamay.

Nag start yung realization ko nong narinig ko yung sharing ng isang SFL member named Barbara. Noong tinitignan ko pa lang sya sobrang na touch na ako sa kanya at naka relate pa ako sa kwento ng buhay nya. “Yung hate na pinaparamdam sa kanya sinuklian nya ng love” at doon nya na feel ang heaven sa buhay nya.

Naka relate ako kasi kapag nga naman nakakaramdam ka na ng hurt/pains, hindi ka na masaya sa mga nangyayari sa buhay mo at nakaka encounter ka na ng sobrang inis, mahirap na talaga maging mabuting tao. Minsan maiisip mo na na isipin na lang ang sarili mo at tumakbo palayo sa mga nangyayari. Pero nong naging member na ako ng SFL, unti-unti kong natutunan kung paano magpatawad at pag aralan kung pano tanggapin/harapin ang lahat ng hirap.

Lahat nga naman tayo may kanya-kanyang pinag dadaanan sa buhay. We are living in an imperfect world at hindi din lahat ng bagay at tao na nasa paligid natin ay perpekto, We experienced hurts, pains and dissapointments pero dapat harapin natin , huwag natin takasan kahit sobrang hirap na hirap na tayo. Be thankful pa din tayo kasi nararanasan natin ang mga ito kasi isa itong challenge na ibinigay sa atin ni God ibinigay ito sa atin kasi alam niyang kaya natin hindi ito upang pahirapan tayo ngunit isa itong way upang hanapin natin sya, mapalapit tayo sa kanya at matutunan nating mahalin ang kapwa natin at lalo na si God. Ginagawa nya ito upang tulungan din tayong maging strong at lumawak pa ang faith natin sa kanya. Basta mahalin lang natin sya makakaya nating gawing heaven ang imperfect world.

Dahil mahal natin si God kahit yung mga bagay na ang akala natin ay hindi natin kayang gawin ay makakaya natin. All our hurt, dissapointments, pains etc. that we feel will turn into happiness and for that we will also experience the heaven here on earth.

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org