Ang mga Surpresa ng Diyos

Written by SFL AMP on . Posted in Article, Sharing

Ang buhay ko ay puno ng surpresa, merong masaya, meron ring masakit.

Ang pamilya namin ay may pagkakaisa, pagmamahalan, kuntento, hindi naghihirap at higit sa lahat, masaya. Ganyan ko mailalarawan ang pamilya namin noon, pero patikim lang pala ang lahat.

Pito o walong taong gulang ako noon nang umalis si Papa. Ang sabi niya sa Maynila lang siya pupunta at sandali lang daw siya mawawala. Hanggang lumipas ang mga araw, buwan, at ilang taon pero hindi siya bumalik.

Isang araw naikuwento sa akin ng aming pinsan na nakita niya si Papa sa Polomolok at may kasamang bata. Noong umpisa, hindi ako naniwala kasi inisip ko na kung talagang nasa Mindanao si Papa, babalik siya sa amin kasi mahal niya kami.

Dumating ang masakit na sorpresa sa buhay namin. Napag-alaman namin na may ibang pamilya na pala si Papa at matagal na pala itong alam ni Mama. Masakit malaman na ang dating inaakala kong nagmamahalan at masayang pamilya ay hanggang doon nalang pala.

Dahil sa mga pangyayaring iyon, nawala ang lahat, kabuhayan, bahay at ang masayang pamilya at kinailangan kong sumama kay Papa sa Polomolok.

Noong nasa Polomolok na ako mas na-sorpresa pa ako sa aking nalaman. Ang bago palang kinakasama ni Papa ay ang dati kong yaya. Siya pa naman ang isang taong namimiss ko dahil naalala ko kung paano niya ako inalagaan. Sa unang pagkakataon, nagalit ako ng husto. Pati ang Diyos ay sinisi ko sa lahat ng mapapait na nangyari sa buhay ko. Nais kong isipin na bangungot lamang ang lahat.

Pagkatapos kong matuklasan ang lahat, mas napalayo pa ako sa pagiging isang Kristiyano. Parang ayaw ko ng maniwala sa lahat. Hindi natatapos ang bawat taon na hindi kami nag-aaway ng pangalawang asawa ni Papa. Hanggang sa nagpalipat-lipat na ulit ako ng tirahan. Sa kakalipat ko ng bahay, ang daming nangyari sa akin na hindi ko inaasahan. Hanggang isang araw, napagpasiyahan kong tumira ulit sa Gensan kung saan nakatira ang ate ko.

Sa aking pagtira doon sa aking kapatid, minsan niya akong niyaya para sumama sa isang seminar ng CFC FFL. Noong umpisa ay ayaw kong pumunta sa dahilang nagalit ako noon sa ating Diyos. Ang sabi ko, wala namang magbabago sa lahat ng ito. Pero hindi nawalan ng pag–asa si ate, niyaya pa rin niya ako kahit alam niya na imposibleng sasama ako sa kanya. Ngunit sa pangalawang pagkakataon, hindi ko alam kung bakit pero napapayag niya ako na sumama sa kanya.

Hindi ako nagsisi na sumama sa kanya. Ang dami kong natutunan sa araw na iyon at first time kong na-excite sa sang seminar kaya nagpatuloy ako hanggang matapos ko. Hindi doon nagtapos ang lahat,sumasama ako sa bawat HOUSE HOLD at habang tumatagal, unti-unti kong naalala ang mga pagkakataong muntikan na akong mapahamak. Napagtanto ko na kahit pala nagalit ako noon sa ating Diyos, hindi Niya ako hinayaan na mapahamak. Doon ko lang nalaman na kahit kinalimutan at nagalit man ako sa Kanya, hinding-hindi Niya ako binitiwan.

Ang mga SORPRESA ng buhay ay talagang gugulatin ka. Minsan Masaya, minsan masakit. Pero sa bawat sorpresa na iyon, isa lang ang sigurado, palaging nakaantabay ang DIYOS sa buhay natin.

A Sharing by Melissa Leoncio
SFL POLOMOLOK

CFC SFL Households

Channel SFL

Watch videos that will inspire you. Subscribe to our channel and learn more about us.

Gallery

Gallery

View pictures and videos of our events and activities here and relive the moment.

Connect with us

Downloads

Go to our downloads page. Get a digital copy of our logo, powerpoints, etc.

Contact Us

CFC SFL logo

Appartelle 12 Starmall Complex Edsa cor. Shaw Blvd., Madaluyong City

Telephone: +63 2 7182213
Email: email@cfcsfl.org